Copyright 2017 - Municipality of Gloria, Oriental Mindoro 5209

News Archive

Magsisimula ang tanggapan ng Municipal Local Civil Registrar sa pagsasaayos ng mga dokumento sa pamamagitan ng tinatawag

na “Reconstruction of Documents” sa Setyembre 22-27, 2008 sa National Statistics Office (NSO) Manila.
Sa pahintulot ni Punong Bayan Romeo D. Alvarez, naglaan ng pondong PhP 100,000.00 para sa pagsasaayos ng     dokumento

tulad ng Birth Certificate, Death Certificate at Marriage Certificate mula noong taong 1964 hanggang1984, para sa mga walang

pinanghahawakang  dokumento at magkaroon ng SECPA o Security Paper na autenticated sa susunod na taon ang Local Civil Registrar.
Layunin ng programa na makapagpatala ang lahat ng mamamayan sa Gloria upang di na sila mahirapan pa sa pagsasaayos ng

kanilang dokumento sa panahong kailangan ang mga ito.(Ma. Theresa D. Magdalita, Media-Point Person-MCRO)
Vallar, Tsampiyon sa Provincial POP Quiz
Pinamalayan - Itinanghal na champion si Gertrude S. Vallar ng Sacred Heart Academy sa Provincial Pop Quiz na ginanap sa

Atlantica Urban Resort, Pinamalayan, Oriental Mindoro, Setyembre 1.
Nauna ng nanalo si Vallar sa ginanap na Municipal POP Quiz sa SB Session Hall ng Gloria, Setyembre 2, 2008. Pumangalawa

si Reymark  mula sa Malamig National High School (MNHS) at pumangatlo si Shermane F. Fontarum ng Bulbugan National High School

(BNHS).Ang POP Quiz ay taunang isinasagawa ng PSWDO sa pamumuno ni Gng. Ethel  Villaluna.(Imelda G. Livelo & Winnie F. Royo,

Media-Point Persons-MSWDO)
Responsible Parenting at Natural FamilyPlanning Programs, Inilunsad
Gloria - Inilunsad ng Provincial Government ang Responsible Parenting Movement (RPM) at Natural Family Planning Program

sa bayan ng Gloria. Sinimulan ito sa pamayanan ng katutubong mangyan sa Sitio Mansaring, Manguyang noong Agosto 21, sumunod sa

Barangay Balete, Agosto 28 at Barangay Sta. Maria, Setyembre 11.
Ang wastong paggamit ng natural na paraan ng pagpaplano ng pamilya at maihanda ng maayos ang kinabukasan ng mga anak,

pangunahin ang mga bago pa lang mag-asawa ang layunin ng programa.
Sa pangunguna ni Gob. Arnan C. Panaligan, PSWDO Teresita A. Umbao, Gng. Ethel Villaluna Provincial POP COM Officer at

G. Willy Madla, ay naging matagumpay ang seminar ukol sa RPM at Natural Family Planning na nilahukan ito ng 200 na mag-asawa na

bago pa lamang nagsasama (Winnie F. Royo, PR-Media Point MSWDO)
Pagtatanim ng Bakawan, Pinangunahan ng MENRO
Pagtatanim ng mga bakawan sa Barangay ng Tambong at Barangay Balete ang isa sa naging programa ng MENRO sa

pakikipagtulungan ng CENRO - DENR na isinagawa noong Agosto 14.
Naging pangunahin sina Gng. Ma. Theresa T. Valera-MENRO at G. Ernesto I. Yere-CENRO-DENR sa pagtatanim ng mga bakawan

upang maprotektahan ang mga yamang-dagat. Lumahok ang mga estudyante ng President Diosdado Macapagal Memorial National High

School (PDMMNHS), Bulbugan National High School (BNHS) at Sangguniang Barangay ng Tambong at Balete sa panguguna nina ABC Pres.

Rimando Recalde at Punong Barangay Diomedes Mosquera.(Charlene M. Condesa, PR-Media Point Person-MENRO)