Copyright 2017 - Municipality of Gloria, Oriental Mindoro 5209

News Archive

“Puksain ang Kiti-Kiti, Sugpuin ang Dengue,” ito ang tema ng paglulunsad ng Department of Health (DOH) - Center for Health Development IV-B MIMAROPA ng isang pagpupulong upang labanan ang nakamamatay na sakit na Dengue.           
Ginanap sa Gloria Central School noong July 24 sa pakikipagtulungan ng Municipal Health Office sa pangunguna ni Bb.

Teresa R. Maquinto, Rural Mosquito Borne Disease Coordinator ng Gloria.           
Naging panauhing tagapag-salita si G. Oscar Macam-Regional Mosquito Borne Disease Coordinator at Regional Entomologist

ng MIMAROPA.  Dumalo din ang Assistant Regional Entomologist ng MIMAROPA na si G. Nelson Rodriguez at G. Jovito F. Festin ang

Provincial Mosquito Borne Disease Coordinator ng Silangang Mindoro.           
Nagsilbing leksyon sa mga mag- aaral mula CBPS hanggang Grade-VI at maging  sa mga guro ang mga ibinahaging mahahalagang

impormasyon ng mga panauhin upang magkaroon ng kaalaman ukol sa sakit na ito, maiwasan at mapuksa ang pagkalat nito.           
Naging tampok din ang Aides Mosquito Mascot na simbolo ng lamok na nagdadala ng sakit na dengue na binigyan ng isang

knock-out punch ng lahat ng dumalo.