Copyright 2017 - Municipality of Gloria, Oriental Mindoro 5209

News Archive

Makakalap ng tama at napapanahong balita. Ito ang layunin ng isinagawang one-day work shop on basic news writing sa Grin Pl8 Restaurant, Maligaya, Gloria, Setyembre 12, 2008.          
Lumahok ang 21 kalihim ng mga barangay at 11 itinalagang PR-Media Point Persons mula sa iba’t-ibang tanggapan ng pamahalaang bayan na magiging katuwang ng Gloria Ngayon sa pagbibigay ng mahahalagang impormasyon at balita sa mga Gloriano at karatig na bayan.   
Mga teknik at kaalaman sa basic writing ng balita at piling lathalain ang naging paksa sa nasabing pagsasanay. Naging resource speaker si G. Exan J. Rofuli, dating guro ng Sacred Heart Academy at Adviser ng The Heart na opisyal na pahayagan ng nasabing paaralan.          
Ang aktibidad na ito ay simula pa lamang para palakasin at pag-ibayuhin pa ang pahayagan ng Gloria Ngayon, ayon sa isa sa mga adviser nito na si MPDC Celso S. Semilla, Jr.