Copyright 2017 - Municipality of Gloria, Oriental Mindoro 5209

News Archive

Pormal na inindorso sa pamahalaang bayan ng Gloria ni 2nd District Representative Alfonso "PA" Umali, Jr. ang mga libro, medical equipments at supplies sa ginanap na turn-over ceremony noong November 28 sa Municipal Lobby.

Bahagi ito ng proyekto ni Congressman Umali na kanyang pinondohan at nakalap bilang pagsuporta sa programang pang-eduksyon at pangkalusugan ng mga Gloriano. Ayon sa kanya, nakikita niya na ang mga Gloriano ay nagkakaisa kaya’t hindi siya nanghihinayang na gugulan ito ng pondo. Malapit din ang Gloria sa puso niya sapagkat ang mga proyektong ibinibigay niya dito ay tunay na pinahahalagahan at pinagyayaman sa pamumuno ni Mayor Romy Alvarez ."Hindi mapapantayan ang kasipagan ng taong ito", dagdag pa niya.
Nabiyayaan ng mga librong Modern Math for Filipinos at Testing Reading Power mula 1st year hanggang 4th year ang 4 na pampublikong paaralan. Kinabibilangan ito ng President Diosdado Macapagal Mem. National High School na nabigyan ng 1,144 books, Bulbugan National High School (788 books), Malamig National High School (561 books) at Manuel Adriano Mem. National High School (432 books). Ang pagbabahagi ay base sa dami ng mga mag-aaral sa eskwelahan. Nirepresenta naman ng kanilang principal at teacher-in-charge upang kunin ang mga textbooks.

Dumating din si Dr. Mike Soller at Chief Nurse Virginia Gonzales ng Gloria Medicare Community Hospital at Dra. Editha D. Hernandez ng Rural Health Unit upang tanggapin ang mga gamit pang-medikal mula sa Heeteen Helpgoodcenter Philippines Foundation na nakabase sa Holland. Kusang loob silang tumulong sa ating kinatawan nang mapanood nila ang paglalaro nito sa programang Deal or No Deal ng ABS-CBN na walang naiuwing pera para sa mga kababayan.

Lubos ang pasasalamat ni Mayor Romeo D. Alvarez sa kongresista ng ikalawang distrito sa mga tulong na ipinagkakaloob nito sa bayan ng Gloria hindi lang sa pagkakataong ito subalit sa maraming beses na pagtulong nito sa bayang itosa iba’t-ibang proyekto bagaman magkaiba sila ng partido. "Kusang-loob itong bigay ni Congressman at hindi ko hiningi kaya dapat tayong magpasalamat at atin itong ingatan," dagdag pa ng punong ehekutibo.
Nabiyayan din ng wheelchair si G. Andres Lasac, Sr. mula sa Brgy. Maligaya.
Kasamang dumalo ni Cong. ‘PA" ang kanyang nakababatang kapatid na si Deputy Commissioner Rey "RU" Umali ng Bureau of Custom kasama ang kanyang maybahay upang makadaupang palad ang mga taga Gloria.
Naging saksi sa turn-over ceremony ang mga kawani ng lokal na pamahalaan at mamamayan ng Gloria.