Copyright 2017 - Municipality of Gloria, Oriental Mindoro 5209

News Archive

Hinirang na 2009 Leadership Awardee ang ama ng bayan ng Gloria na si Punong Bayan Romeo D. Alvarez, isang parangal na iginawad ng League of Municipalities of the Philippines (LMP).            Isinagawa ang parangal noong Ika- 21 ng Oktubre sa Manila Hotel na dinaluhan ng mga punong bayan buhat sa iba’t-ibang bayan ng Pilipinas. Iniabot ang tropeyo at plake ng karangalan nina Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at Ramon Guico na siyang pangulo ng samahang LMP. Naging susi upang makamit ni Mayor Alvarez ang parangal na ito ang mga mahahalagang accomplishment ng kanyang administrasyon sa loob ng siyam (9) na taon niyang panunungkulan sa bayang ng Gloria. Sa pamamagitan ng binalangkas niyang tema sa pagpapaunlad na “Makabuluhang Pagbabago,” naging akma ito upang unti-unting napatotohanan ang pananaw ng bayan na “Primary Agricultural Production and Eco-Tourism Center in Southern Oriental Mindoro.” Ilan sa malalaking proyektong naisakatuparan sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Alvarez ang pagpapatayo ng dalawang (2) National High Schools – ang Pres. Diosdado Macapagal Memorial National High School at Manuel Adriano Memorial National High School.  Sa pamamagitan din ng Presidential Proclamation of the Municipality of Gloria, naging second Municipal – wide Agrarian Reform Community (ARC) sa buong Pilipinas ang bayang ito. Pinakamabilis din na naimplementa ayon sa tala sa bayang ito ang halagang PhP 67M Infra Support Project, Phase II (DAR-ARISP II)  mula sa Department of Agriculture na inilagak para sa konstruksyon ng communal irrigaton systems, pagbubukas at concreting ng farm-to-market roads, konstruksyon ng tulay, post-harvest facilities, pagpapaunlad ng teknolohiyang pang-agrikultura at pagpapatayo potable water supply. Ang bagong Pamilihang Bayan ng Gloria na hatid ay paglago ng komersyo at hanapbuhay para sa mamamayan.  Nagkaroon din ng sariling heavy equipments ang pamahalaang bayan sa gayun ay hindi na kailangan pang umupa para maayos na matutugunan ang pangangailangan sa mga proyektong pang-imprastraktura ng administrasyon.  Sa panahon din ni Mayor Alvarez, na-create ang Municipal Environment and Natural Resources Office ng bayan ng Gloria, pangatlo sa mga bayan ng Silangang Mindoro na merong ganitong tanggapan.  Idineklara din ng punong bayan bilang marine protected area ang “Agsalin Fish Sanctuary,” dahilan upang hirangin ito bilang isa sa Most Outstanding Fish Sanctuary sa buong Pilipinas.  Sa masigasig din na liderato ni Mayor Alvarez, napagkalooban ang bayan ng Gloria ng isang unit ng firetruck ng Oriental Mindoro Association of of Southern California (OMASC) kung kaya’t nagkaroon tayo ng sariling Municipal Fire Station.  Pinaparangalan din ang mga malalaking business ang real property taxpayers at mga natatanging anak/intitusyon ng bayan ng Gloria tulad ng natatanging punong barangay, public school teacher, police officer, cooperative, municipal employee, Day Care Worker, Barangay Nutrition Scholar, Barangay Health Worker, model schools and barangays on environmental greening and eco-waste management at bakery in town na ginagawa taun-taun sa pagdiriwang ng anibersaryo ng bayan.  Siya din ang nagdeklara ng Kawayanan Fesrtival bilang opisyal na tourism event ng bayan na sa kasalukuyan ay bumubuhay sa turismo ng Gloria.  Naipamahagi na rin ng administrasyon ang Municipal Reservation Site sa Brgy. Malubay sa mga naninirahan dito, pagtulong sa National Commission on Indigenous People (NCIP) sa implementasyon ng Certificate of Ancestral Domain Title (CADT), Mangyan resettlement in Manguyang at lot & housing assistance sa Lupang Pangarap na matatagpuan sa Brgy. Lucio Laurel.  Regular na pagsasagawa ng medical, dental & optical missions at blood letting activity sa mga pambayang lugar, barangay at lugar ng mga Mangyan gayundin ang pagmimintina ng health insurance sa pamamagitan ng pamamahagi Philhealth Card katulong ang pamahalaang panlalawigan at nasyunal.

“Ang inyong lingkod bilang ikatlong nanungkulan at nahalal na punong bayan sa bayan ng Gloria, Silangang Mindoro, ay nangarap at nagsikap na ipagpatuloy ang mga kaunlaran na pangarap din ng mga unang nanungkulan sa aming bayan.  Hindi lingid sa kaalaman ng bawat isang taga-Gloria na laging isinisigaw ko sa apat na sulok n gaming bayan ang “Makabuluhang Pagbabago.  Unti-unting nagkaroon ng katuparan at nangyari ang kaganapang ito sa tulong at pakikiisa ng nakararaming mamamaya, mga halal na opisyales ng barangay, mga kawani ng pamahalaang bayan, kasama ang pamahalaang panlalawigan at nasyunal.  Maraming salamat at hangad ko ang higit pang tagumpay ng League of Municipalities of the Philippines!”  Ito ang laman ng mensahe ng punong ehekutibo pagkatapos tanggapin ang parangal.

Mula sa lahat ng mamamayan ng bayan ng Gloria……..   IPINAGMAMALAKI NAMIN KAYO MAYOR ALVAREZ!